Wednesday, June 25, 2008

Advent Skits: Paunang Salita

PANANAMPALATAYA ang sentral na tema nitong mga adskits.

Iisa rin lang ang kanilang nilalayon—na ang buong sambayanang kristiyano: ang mga manonood, ang mga tauhan, mga kasapi ng produksiyon, at lahat-lahat na, ay mapaunlad sa pananampalataya.

Adskits ang tawag ko sa kanila dahil sila ay skits na pang-adbiyento at, katulad ng mga advertisements sa telebisyon at radyo, karamihan sa kanila ay maiiksi.

Sadya rin silang maiksi upang mapanatiling payak ang isyu ng bawat adskit at upang madaling maitanghal ang bawat palabas. Madali ring maaalala ang mga linya para sa mga Tauhan. Simpleng mga gamit rin lang ang kinakailangan bilang props.

Ang lahat ng adskit ay nakabatay sa mga pagbasa na naitala sa Ordo ng Roman Catholic Church.
Sa mga palabas sa loob ng kapilya, iminumungkahi kong makipag-ugnayan sa Kura Paroko ng inyong parokya upang mapag-usapan kung sa anong bahagi ng Misa ipapasok ang bawat adskit.
Maligayang Pasko!

Ro

No comments: