ANG PAGKATAO NI JESUS
Emmanuel: Ang Panginoon Ay Nananahan Sa Ating Piling
Mga Babasahin: Jeremias 23:5-8; Mateo 1:18-24
Mga Tauhan
TAO 1
TAO 2
TAO 3, Bata
TAO 4, Babae
Pagkabasa ng Ebanghelyo o pagkahomilya, dahan-dahang maglalakad papunta sa harapan ng altar si TAO 1. Manggagaling siya sa gitna ng Manonood.
TAO 1
Meron akong pangarap . . .
Meron akong pangarap . . .
Sa ikalimang “Meron akong pangarap” ni Tao 1, papasok si TAO 2 mula sa isang kanto ng sangtuwaryo, dala ang isang nakabuklat na Bibliya sa kanyang kaliwang kamay. Lalapit siya sa kinaroroonan ni Tao 1.
TAO 2
Ayon sa buhay na salita ng Diyos, sa pagdating ng Mesiyas . . .
TAO 1
Meron akong pangarap . . .
TAO 2
Makakita ang mga bulag. Makakalakad ang mga pilay.
TAO 1
Meron akong pangarap . . .
TAO 2
Makakarinig ang mga bingi.
At ang mga namatay ay muling mabuhay.
TAO 1
Meron akong pangarap . . .
TAO 2
At sa mga mahihirap ay isisiwalat ang Mabuting Balita.
Papasok sina TAO 3 at TAO 4.
TAO 3
Meron akong pangarap na habang buhay pa sina Tatay at Nanay,
tunay na mapasaamin ang lupang aming kinalakhan.
TAO 4
Na narrating na ang mga araw na kaming mga babae,
Lalung-lalo na kaming mga pangkaraniwang naglilingkod
sa mga tahanan, mga malls, at mga lansangan
ay magkaroon ng sapat na partisipasyon sa lipunan.
TAO 1
Meron akong pangarap . . .
TAO 2
Panginoon, manahan ka na kasama naming.
TAO 3
Makasuot na sana ako ng malinis na uniporme
at bagong mga sapatos sa darating na pagbukas ng paaralan.
TAO 4
Na darating na ang araw
na hindi na kailangang mag-Saudi ang aking asawa
para lamang makapagbigay sa amin ng magandang kinabukasan
upang sabay naming maalagaan ang aming mga anak
at maturuan ng pananalig sa Panginoon.
TAO 1
Meron akong pangarap . . .
TAO 2
Meron akong pangarap . . .
TAO 3
Meron akong pangarap . . .
TAO 4
Meron akong Pangarap . . .
LAHAT
(Sa Manonood)
Sa pagdating ng Manliligtas, kayo, ano ang inyong mga pangarap?
Wednesday, June 25, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment