ANG PAGPAPAHAYAG NG KAPANGANAKAN NI JUAN
Ang Pananampalataya Ay Isang Paglalakbay
Mga Babasahin: Mga Hukom 13:2-7,24-25a; Lukas 1:5-25
Mga Tauhan
KOKOY
MANDO
Pagkabasa ng Ebanghelyo o pagkahomilya, papasok sina KOKOY at MANDO. Magmamadali sila, parang may hinahabol. May kanya-kanya silang bag. Pupunta sila sa may harapan ng altar at patingin-tingin sa isang dako. Maririnig ang isang pito ng lantsa.
KOKOY
(Ituturo ang isang bagay sa may di kalayuan)
Hayun, Itay. Hayun.
Parang iyan na ang lantsang hinihintay natin.
MANDO
(Titingin)
Parang iyan nga nga, Koy.
Mabuti na lang at hindi tao naiwanan.
KOKOY
Mabilis kasi tayong tumakbo, Tay.
MANDO
Sinanay tayo ng ating buhay sa bukid, Anak.
KOKOY
O, akyat na tayo, Tay.
Nang makapagpahinga na rin tayo.
MANDO
Sandali lang, Koy. Dito lang muna tayo.
Magugulat si Kokoy sa kilos ng kanyang Ama.
KOKOY
Ngunit, Tay, mukhang paalis na ang lantsa.
Baka maiwanan tayo.
Sayang ang ating pagmamadali kanina.
Uupo sa isang upuan si Mando sa may sulok. Lalayo si Kokoy sa kanya at muling titingin sa “lantsa.”
KOKOY Tay, parang bumababa na ang hindi mga pasahero.
Bibiyahe na talaga ang lantsa.
Tay, dali na. Mukhang aalis na ang lantsa.
Lalapit si Kokoy sa Ama at magmakaawa. Lalayo si Mando kay Kokoy at mag-iisip nang malalim. Titingin sa malayo si Mando at, pagkatingin, ay tititig kay Kokoy.
MANDO
Hindi lang muna natin ituloy ang ating biyahe, Koy.
Sa susunod na lingo na lang.
KOKOY
Ano ba’ng nangyari sa iyo, Tay?
MANDO
Kailangang masiguro natin na may sasalubong sa atin.
Hanggang ngayon, hindi ko pa natanggap ang tugon ng Tita Pina mo.
KOKOY
Akala ko, Tay, gusto na talaga nating magbagong buhay.
Bakit tayo nagdadalawang-isip sa pag-alis ngayon?
MANDO
Sa pagbiyahe, Koy, kailangan sigurado tayo sa ating mga galaw.
Kasi, kung hindi, tayo rin ang mapahamak.
Kailangang kontrolado natin ang takbo ng mga pangyayari.
Mahuhulog ang mga balikat ni Kokoy sa lungkot.
KOKOY
Higit kang nakakaalam, Tay.
Sige. Sa susunod na linggo na lang.
Lalapit si Mando kay Kokoy at yayakapin ang Anak.
MANDO
Sa susunod na linggo. Pangako ko ‘yan sa iyo.
Maririnig ang pito ng lantsa. Lilingon si Kokoy sa pinanggalingan ng pito at malulungkot. Kakaway siya sa papalayong lantsa. “Matutulog” ang Ama at Anak sa ibabaw ng upuan.
Pagkaraan ng ilang sandali, marinig uli ang pito ng lantsa. Magigising si Kokoy, tatayo at buong tuwang gigisingin ang Ama.
KOKOY
Tay, andiyan na ang lantsa. Tayo na.
Tay, mata na. Sa wakas, matutuloy na talaga tayo.
Tatayo si Mando at titingin sa lantsa.
KOKOY
Mabuti na lang, Tay, at hindi tayo natuloy noon.
Kasi nadaanan pala ng bagyo ang lantsa.
Kung nagkataon, suka siguro ako nang suka sa biyahe natin.
(Mapapansin ni Kokoy na parang walang sigla ang kanyang Ama)
Tay?
MANDO
Hindi lang muna tayo tutuloy ngayon, Koy.
Baka kasi babagyo uli.
Baka may masamang mangyari sa atin.
KOKOY
Tay? Mag-isang linggo na tayong naghintay.
MANDO
Kailangang nakakasiguro tayo sa ating mga lakad, Koy.
Kailangang malaman talagi natin
kung ano ang kalooban ng Diyos para sa atin?
KOKOY
Tay, isang taon na tayong nagdasal hinggil dito,
pagkatapos nang mamatay si Inay.
Higit na isang buwan na rin tayong nagplano para sa biyaheng ito.
At isang linggo na nga tayong dito sa pantalan.
MANDO
Baka kasi masiraan lang ang lantsa.
Mabuti nang mag-ingat tayo kaysa madisgrasya.
Maririnig ang pito ng lantsa. Lalayo si Kokoy kay Mando, titingin sa papalayong lantsa. Iiyak si Kokoy. Lalapit si Mando kay Kokoy at yayakapin ang Anak. “Matutulog” ang mag-ama.
Pagkaraan ng ilang sandali, maririnig ang pito ng lantsa. Magigising si Kokoy at gigisingin ang Ama.
KOKOY
Tay, andiyan na ang lantsa. Dumating na ang lantsa.
Gigising si Mando at tatayo.
KOKOY
Dali na, Tay.
Iaabot ni Kokoy ang bag ng kanyang Ama.
KOKOY Tay, bag mo. Baka makalimutan mo.
Tatanggapin ni Mando ang bag.
MANDO
Matanda na ako, Koy.
Baka magkamali na naman ako sa paglalakbay na ito.
Baka pati buhay mo ay mapahamak dahil sa akin.
Maririnig ang pito ng lantsa.
KOKOY
Tay, tinawag tayo ng Diyos na maglakbay at magbagong buhay.
Kung ano man ang mangyari sa atin, hindi pa natin alam.
Ngunit hangga’t hindi tayo maglakbay, hindi natin malalaman.
Hindi maaaring manatili tayo sa pantalan habangbuhay.
MANDO
Tinatawag tayong magtiwala sa kanya?
KOKOY
Siya ang nagbigay sa atin ng inspirasyon na maglakbay,
siya rin ang gababay sa atin sa ating paglalakbay.
MANDO
Nagkukulang ako sa pananalig, Koy.
KOKOY
Hindi niya tayo pababayaan, Tay.
Kailangan nating manalig sa kanya.
Magtiwala na sinasagot na niya ang ating mga panalangin
kahit pa ito pa ito nabigkas ng ating mga labi.
MANDO
(Ngingiti)
Dali na, Koy, at baka maiwanan na tayo.
KOKOY
Akyat na tayo, Tay.
Lalabas sina KOKOY at MANDO na masayang-masaya. Maririnig ang pito ng lantsa.
Wednesday, June 25, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment